Susunod na quarantine classification pinag-aaralan ng DOH

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na kung ano ang magiging community quarantine classification sa June 30 .

Pero sa ngayon, sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na imonitor maigi  kung ano ang mga nangyayari.

Dagdag pa niya, kailangan ding ikonsidera  na bagamat hiwalay na rehiyon ang National Capital Region (NCR) , kailangan pa rin makita kung ano ang nangyayari sa karatig na rehiyon kung ito ba ay makakaapekto  sa atin kung saka-sakali.

” Kailangan ding tignan natin ang parameters na ginagamit natin para makapagdi-escalate  woud be the number na of cases, we use the indicators , two week growth rate saka daily attack rate” , ayon kay Vergeire.

At ang pinakaimportante ay kailangang makita ang PDITR response ng local government ay kakayanin sakaling tumaas ang kaso nila.

“Kapag tayo ay nakikipag-usap sa data analytics group,  tinitignan po natin lahat ang aspeto na ito and then of course we also look at the social security ang economic repercaution of these quarantine classification” dagdag pa ng tagapagsalita ng DOH.

Aniya, pag-aaralan pang maigi  at pag-uusapan kasama ang IATF.

Ang pahayag ni Vergeire ay tugon sa umanoy pagbaba ng kaso sa NCR kung ang quarantine status ay magluluwag na o  mananatili pa rin sa GCQ with  hightened restrictions. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Susunod na quarantine classification pinag-aaralan ng DOH appeared first on REMATE ONLINE.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *