Inisyal na pinsala ng bagyong maring sa sektor ng agrikultura sa region 2, mahigit P114M na- DA RO2

Sumampa na sa mahigit P114M ang initial na pinsalang iniwan ng Bagyong Maring sa sektor ng agrikultura sa buong rehiyon dos. Sa nasabing halaga, mahigit P26M ang pinsala sa mais, mahigit P68M sa palay, mahigit P21M sa high value crops at mahigit P860k naman sa livestock. Ayon kay Narciso Edillo, director ng Department of Agriculture… Continue reading Inisyal na pinsala ng bagyong maring sa sektor ng agrikultura sa region 2, mahigit P114M na- DA RO2

P15-M, inisyal na pinsala sa agrikultura ng Bagyong Maring sa Cagayan; death toll, dalawa na

Umaabot na sa inisyal na mahigit P15 milyon ang halaga ng napinsalang pananim at livestock sa lalawigan ng Cagayan dahil sa hagupit ng bagyong Maring. Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, may P14.6 milyon na halaga ng pananim na palay at mais ang nasira sa pitong munisipalidad. Apektado dito ang… Continue reading P15-M, inisyal na pinsala sa agrikultura ng Bagyong Maring sa Cagayan; death toll, dalawa na

Limang bangkay ng NPA na nasawi sa sagupaan sa Sta. Teresita, Cagayan naibaba na mula sa kabundukan

Naibaba na mula sa mabundok na bahagi ng Brgy. Dungeg, Sta. Teresita ang limang bangkay ng mga rebeldeng napatay sa naganap na engkwentro kamakailan. Sa panayam kay MAJ Jelyll Julian Dulawan ng Division Public Affairs Office, naiturn-over na sa PNP Sta Teresita ang mga labi ng mga nasawi upang mailipat sa maayos na himlayan. Sinabi… Continue reading Limang bangkay ng NPA na nasawi sa sagupaan sa Sta. Teresita, Cagayan naibaba na mula sa kabundukan

Gov. Mamba, nanindigan na dapat palawigin ang implimentasyon ng ECQ sa Tuguegarao City

Nanindigan si Cagayan Gov. Manuel Mamba na dapat muling palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa halip na Modified ECQ na nakasaad sa ipinadalang kahilingan ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF. Sinabi nito na mataas pa rin ang bilang ng mga active cases sa lungsod kaya’t dapat na higpitan at… Continue reading Gov. Mamba, nanindigan na dapat palawigin ang implimentasyon ng ECQ sa Tuguegarao City

Drug-cleared barangay sa Enrile, Cagayan, 15 na

Umabot na sa 15 ang bilang ng mga drug-cleared barangay sa bayan ng Enrile, Cagayan. Sinabi ni PLt. Precil Morales, hepe ng Enrile-PNP na ang nalalabing pitong barangay na drug affected pa sa kasalukuyan ay natapos na rin ang kanilang mga documentary requirements para sa deliberasyon ng Regional Oversight Committee. Maituturing namang drug-cleared ang isang… Continue reading Drug-cleared barangay sa Enrile, Cagayan, 15 na

Mass grave site, pinahahanda ni Gov. Mamba sa mga alkalde ng Cagayan

Ipinag-utos ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa mga alkalde ng probinsya na maghanap na ng lote na mapaglilibingan sa mga yumao dahil sa COVID-19. Sinabi ni Mamba na hindi ito panakot kundi bilang paghahanda ng probinsya sa anomang posibleng mangyari sa paglaban sa virus dahil sa naitatalang casualties lalo na at may banta ang Delta… Continue reading Mass grave site, pinahahanda ni Gov. Mamba sa mga alkalde ng Cagayan

‘Mayor Celia Layus, nananatiling alkalde ng Claveria, Cagayan sa kabila umano ng malalang kondisyon sa kalusugan’

TUGUEGARAO CITY- Walang ligal na basehan ang memorandum order ni Vice Mayor Solferino Agra Jr. na nagsasabing uupo siya bilang acting mayor dahil sa pagiging incapacitated umano ni Mayor Celia Layus dahil sa kanyang sakit. Ito at batay sa sagot ng Department of Interior and Local Governmet o DILG Region 2 sa tanong ng mga… Continue reading ‘Mayor Celia Layus, nananatiling alkalde ng Claveria, Cagayan sa kabila umano ng malalang kondisyon sa kalusugan’

Negosyante, pinagnakawan at pinatay ng 5 hindi pa nakikilalang suspek sa Baggao, Cagayan

TUGUEGARAO CITY-Pinatay at pinagnakawan ang isang negosyante ng limang hindi pa nakikilalang indibidwal sa bayan ng Baggao, Cagayan. Kinilala ang namatay na biktima na si Reynante Jose, 60-anyos, residente ng Brgy. Adaoag at nagba-buy and sell ng mga kalabaw at baboy sa nasabing bayan. Ayon kay PLt. Jack Urian, Deputy Chief of Police ng PNP-Baggao… Continue reading Negosyante, pinagnakawan at pinatay ng 5 hindi pa nakikilalang suspek sa Baggao, Cagayan

3rd District Cong. Lara, nilinaw ang issue kaugnay sa Sputnik V vaccine

Tuguegarao City- Nilinaw ni 3rd District of Cagayan Congressman Jojo Lara na ang pag-aalok ng pasilidad ng kanilang hotel sa Department of Health (DOH) Region 2 upang gawing storage ng Sputnik V vaccines ng Gamaleya ay dumaan sa pag-uusap at tamang inspeksyon. Ginawa ng opisyal ang pahayag bunsod ng kaliwa’t kanang mga issue sa kanilang… Continue reading 3rd District Cong. Lara, nilinaw ang issue kaugnay sa Sputnik V vaccine

Lasam MDRRMO, kampeon sa Provincial RescueLympics 2021

Itinanghal na kampeon ang rescue team ng bayan ng Lasam sa ginanap na “RescueLympics” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa ilalim ng Provincial Disater Risk Reduction Management Office (PDRRMO). Nanguna ang Lasam rescue sa labing-tatlong Municipal Risk Reduction Management Offices (MDRRMOs) mula sa 29 na munisipalidad sa lalawigan, kasama ang Tuguegarao City na lumahok sa… Continue reading Lasam MDRRMO, kampeon sa Provincial RescueLympics 2021