Pinsalang iniwan ng sunog sa palengke ng Tallan, Baggao, tinatayang aabot ng higit-kumulang P1M

Tuguegarao City- Tinatayang aabot sa humigit kumulang P1M ang pinsalang iniwan ng nasunog sa palengke ng Brgy. Tallang, Baggao, Cagayan. Sa panayam kay FO3 Joey Jose, responder ng BFP Baggao, mabilis na tinupok ng apoy ang sampung puwesto sa nasabing pamilihan dahil yari ito sa light materials. Sa ngayon ay patuloy pang-inaalam pa ng BFP… Continue reading Pinsalang iniwan ng sunog sa palengke ng Tallan, Baggao, tinatayang aabot ng higit-kumulang P1M

COVID-19 mass testing, isasagawa sa mga barangay na nasa ECQ sa Baggao

Sisimulan na bukas ang apat na araw na ‘mobile antigen swab testing’ sa mga frontliners ng labing-apat na Barangay na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine sa bayan ng Baggao, Cagayan. Ito ay sa inisyatibo ni 1st district Board Member Cristopher Barcena sa pakikipagtulungan ng LGU Alcala na nagdonate ng 400 antigen test kits, PRC… Continue reading COVID-19 mass testing, isasagawa sa mga barangay na nasa ECQ sa Baggao

Alimannao, natatanging barangay na hindi pa drug cleared sa Peñablanca- PDEA

Tanging ang Barangay Alimannao na lang ang natitirang barangay na hindi pa drug cleared mula sa 24 na barangay sa bayan ng Peñablanca, Cagayan. Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Louella Tomas, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-RO2 na kasunod ito ng pagdedeklara sa anim na barangay at kabilang na sa naunang… Continue reading Alimannao, natatanging barangay na hindi pa drug cleared sa Peñablanca- PDEA

NFA-Cagayan, nakabili na ng 375K na sako ng palay ngayong taon

TUGUEGARAO CITY-Nakabili na ng nasa 375,000 na sako ng palay ang National Food Authority (NFA)-Cagayan mula buwan ng Enero hanggang nitong buwan ng Mayo ngayong taon. Ayon kay Provincial Manager Mariela Neriza Rios ng NFA-Cagayan, nitong buwan ng Mayo lamang, kasabay ng anihan ay nakabili ang kanilang tanggapan ng 251,000 na sako ng palay sa… Continue reading NFA-Cagayan, nakabili na ng 375K na sako ng palay ngayong taon

HIV cases sa Region 2, umaabot na sa mahigit 1k

Tugeugarao City- Patuloy na hinihikayat ng Department of Health ang publiko na tangkilikin ang paggamit ng condom bilang proteksyon at tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus Acquired Immuno-Deficiency Syndrome HIV-AIDS sa rehiyon. Sa datos ng ahensya, mula taong 1980’s, sumampa na sa 1,165 ang naitalang kaso ng HIV sa rehiyon.… Continue reading HIV cases sa Region 2, umaabot na sa mahigit 1k

Mahigit P13M na halaga ng marijuana, binunot at sinunog sa Kalinga

TUGUEGARAO CITY- Binunot at sinunog ang mahigit P34M na halaga ng marijuana sa Kalinga sa loob ng tatlong araw na operasyon mula Mayo 28 hanggang ngayong araw na ito. Sinabi ni PCOL Davy Vicente Limmong, director ng PNP Kalinga na tatlong plantation sites ang pinasok ng mga otoridad sa Loccong, Tinglayan na may mahigit 65,… Continue reading Mahigit P13M na halaga ng marijuana, binunot at sinunog sa Kalinga

Empleyado ng DA-RO2 na primary/secondary contact ng isang nagpositibo sa COVID-19, negatibo ang resulta ng kanilang antigen at RT-PCR test

Negatibo ang resulta ng isinagawang antigen at RT-PCR test sa mga kawani ng Department of Agriculture Region 2 na naging close contact ng isang nagpositibo sa COVID-19 na empleyado ng kagawaran. Ito ay base sa naging kumpirmasyon ng Department Of Health ayon kay DA Region II Regional Executive Director Narciso Edillo. Ayon kay Edillo, sampung… Continue reading Empleyado ng DA-RO2 na primary/secondary contact ng isang nagpositibo sa COVID-19, negatibo ang resulta ng kanilang antigen at RT-PCR test

Mahigit 1k na research and development, naiparehistro para sa patent-DOST Reg. 2

TUGUEGARAO CITY- Umaabot sa mahigit 1, 000 na research and development ang naiparehistro para sa patent o ang tinatawag na Intellectual Property Registration sa isinagawang dalawang linggo na Research and Development caravan na pinangunahan ng Department of Science and Technology o DOST Region 2. Sinabi ni Sancho Mabborang , director ng DOST Region 2 na… Continue reading Mahigit 1k na research and development, naiparehistro para sa patent-DOST Reg. 2

Pagpupugay sa mga frontliners, idinaan sa mural paintings; nagsisilbi ring paalala vs. COVID 19

Tuguegarao City- Agaw-pansin ngayon ang isang bagong pintang mural na matatagpuan sa Brgy. Balzain East, Tuguegarao City bilang pasasalamat sa sakripisyo ng mga frontliners ngayong pandemya. Ang obra ay sumasalamin sa mga frontliners sa ibat-ibang propesyon at mga paalala sa publiko sa pagsusuot ng facemask na proyekto ng Sangguniang Kabataan at ipininta ng magkapatid na… Continue reading Pagpupugay sa mga frontliners, idinaan sa mural paintings; nagsisilbi ring paalala vs. COVID 19

122 empleyado ng DTI-Cagayan at RO2, isinailalim sa antigen test; 3 positibo sa covid-19

TUGUEGARAO CITY-Isinailalim sa antigen test ang mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI)-Cagayan at Region 2. Ayon kay Atty. Cyrus Restauro, legal officer ng DTI-region 2, ito ay inisyatibo ng kanilang regional director para matiyak na nasa maayos na kalagayan ang kanilang mga empleyado. Umabot sa 122 na empleyado ang isinailalim sa antigen… Continue reading 122 empleyado ng DTI-Cagayan at RO2, isinailalim sa antigen test; 3 positibo sa covid-19